Ang aking unang karanasan sa blogging

        Habang kami ay gumagawa ng aming proyekto sa journalism ako ay natutuwa at nasasabik kung ano ang mangyayari. Hindi ko man alam kung ano ang aking ginagawa. Ako ay nasasabik kung paano gagawin ang aming Gawain ito ay nakakamangha sapagkat may bago nanaman akong matutunan kaya ako ay masaya, salamat sa aming guro sa journalism nalaman naming ang mga kailangan naming malaman. 

           Ako ay isang tao na hindi mahilig magbasa ngunit noong nalaman at natutunan ko ang blog ako ay nagkaroon ng interes sa pagsusulat at pagbabasa. Malaking tulong at talagang nakakatuwa ang journalism.

        Kahit ang aking mga ka-klase ko ay masaya, kitang kitang sa kanilang mga mukha ang pagkahanga at pagka-interesado nila sa aming ginagawa. Totoo na mahirap ngunit alam ko na  marami naman kaming natutunan tulad ng mga sites na noon wala akong paki alam na ngayon ay tumutulong sa amin sa paggawa namin ng proyekto. 

      

           Noon hindi ko rin alam kung paaao gumawa ng isang artikulo  ngunit ngayon alam ko na kung paano gumawa nito at alam ko na rin kung paano gumamit ng mga sites at gumamit ng computer talagang masaya matuto ng mga bagong bagay lalo na kung  alam mong magagamit mo ito hanggang sa huli. 


          
  
                Ako ay nagpapasalamat dahil nalaman ko at nautunan ko paano gawin ang mga bagay na ito dahil masya ito gawin at makakatulong ito para sa aking kinakaharap. kaya habang may panahon tayo subukan natin ang lahat dahil maari itong makakatulong sa atin.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

PAGSULAT NG BALITA

AMAZON ECHO DOT: PINAPADALI ANG BUHAY SA BAHAY