CALL OF THE WILD REVIEW

CALL OF THE WILD 




      Ang  Call of the Wild ay isang pelikula kung saan ito ay binagbibidahan nina Harrison Ford, Omar Sy, and Cara Gee; ito ay pinalabas noong pebrero 21 2020 sa deriksyon ni Chris Sanders. Ito din ay isang adaptation ng klasikong nobela ni Jack London. Ang pelikulang ito ay tungkol sa isang aso na si buck siya ay nakikipaglaban para mabuhay sa ligaw na Yukon. Noon namumuhay ng payapa si buck sa bahay ng kanyang amo, nagagawa ni buck ang lahat ng gusto niya kahit ito ay mali, walang gustong manakit kay buck dahil kilala at marangya ang kanyang amo.

 

     Ngunit isang gabi siya ay pinarusahan ng kanyang amo at siya ay pinalabas at doon pinatulog. matutulog na sana si buck ngunit may nakita siya lalaki, at pinuntahan niya iyun at hindi alam ni Buck na masamang tao pala iyun at siya ay kunuha.

 

     At doon napunta siya sa isang lalaki na dinala siya sa malayo na lugar at siya ay sinaktan. Hanggang sa mayroong nagkusa na kunin siya sa taong iyun at siya ay sinali sa grupo ng mga aso para hilain ang isang sled para makapaghatid ng liham sa malayong lugar. Hindi sanay si buck na utusan, ngunit alam niya na kaylangan niyang mabuhay, kaya siya ay sumunod, at siya ay pinuri ng kanyang bagong amo. Ngunit may isang aso na ayaw sa kanya at pinagtangkaan ang kanyang buhay. At sila ay naglaban ngunit sa huli natalo ang masamang, aso at siya ay umalis dahil sa kahihiyan. At si Buck ang naging bagong lider ng grupo.

 


     Masaya na sana si buck ngunit Hindi nagtaggal nagkahiwalay ang mga aso at ang kanilang amo dahil sa isang masamang pangyayari. Nalungkot si buck ngunit siya ay nagpakatatag dahil sa kanyang mga kasamahan, hanggang sa mayroong isang masamang tao ang bumili sa kanila, doon sinaktan nanaman sila at pinahirapan. At sa huli nagkasakit si Buck, at siya ay niligtas ng isang matandang lalaki. At dahil sa utang na loob, hindi iniwan ni buck ang matanda, at sinamahan ni buck ang kanyang amo.

 

     Ngunit hinabol sila ng masamang tao na nagpahirap sa mga aso dahil nakatakbo ang iba pang aso. Kaya galit na galit ang lalaki. Si buck at ang matandang lalaki ay naglakbay patungo sa isang lugar at doon sila numuhay doon din nakilala ni buck ang isang babaeng aso at siya ay nahulog dito. ngunit mayroon nanaman dumating na sakuna sa kanila sapagkat nahanap sila ng masamang tao at sinunog niya ang bahay nila buck at binaril ang amo ni buck. dumating si Buck at tinapun ang lalaki sa apoy. sinubukan ni Buck iligtas ang kaniyang amo ngunit huli na.



     kahit wala na ang kaniyang amo doon parin tumira si buck at hindi nagtaggal nagkaroon siya ng isang kunting pamilya at doon namuhay sila ng payapa at masaya, natutong mamuhay at masayang magkakasama ang bawat isa.

 



     Sa kwentong ito pinapakita ang paglalakbay ng isang aso maraming pagsubok ang nagdaan sa kanya ngunit hindi parin siya sumuko. Sa tingin ko Maganda itong panoorin, ngunit sana hindi nalang namatay
ang matanda at sana Nakita pa ni buck ang una niyang amo. Pero bukod doon masaya at nakakaantig ang pelikulang ito at Inirerekumenda ko ito sa lahat lalo na sa mga dog lover.







Comments

Popular posts from this blog

PAGSULAT NG BALITA

Ang aking unang karanasan sa blogging

AMAZON ECHO DOT: PINAPADALI ANG BUHAY SA BAHAY