LIMANG RASON KUNG BAKIT AKO PUMASOK SA SPJ

 

     Ako ay isang SPJ student sa Palo national high school. Isa itong paraalan na nagbibigay ng mga pagkakataon sa mga mag-aaral na gusto matuto ng pamamahayag. Kaya dito ko na isipan na pumasok noong nakatapos na ako sa aking elementarya. Kahit noon hindi ko man alam kung ano ang journalism. Nagsimula ang aking paglalakbay bilang isang, mamamahayag noong ako ay nasa ika anim na baitang sa elementarya, doon pinayuhan ako ng aking guro na subukan ang pagsulat ng lathalain, kaya akin itong sinubukan, at sa hindi inaasahang pagkakataon ako ay nakasali sa isang patimpalak sa pamamahayag.

 


     Doon nagsimula ang aking paglalakbay dahil sa aking pagsali sa mga patimpalak ako ay nakapasok sa SPJ. Sa pagpasok ko sa paraalang ito marami ang nagtatanong sa akin,bakit mo pinili ang pagiging isang SPJ? Limang sagot lang ang aking sagot sa tanong na ito. Una sumali ako sa SPJ dahil gusto ko maranasan ang pagiging isang mamamahayag dahil mayroon na akong karanasan dito, maraming tao ang nagsasabi na mahirap ito. Oo mahirap nga ito dahil marami ang mga Gawain.

 


     Ngunit dahil gusto ko na nasusubok ang aking mga kakayahan. Kaya ko din pinili ang pagiging SPJ, at dito marami akong natutunan tulad ng paggawa ng blog, paggamit ng computer, at pagsulat ng article. Ito ang ikalawang rason kung bakit pinili ko ang SPJ.


 

     Isa pang rason kung bakit ko ito pinili ay dahil gusto ko na maging proud ang aking magulang sa akin, lahat naman siguro na mga mag-aaral tulad ko na gusto din pasayahin ang kanilang mga magulang hindi ba? Hiling ko na makita ng mga tao ang kahalagahan ng pamamahayag at sana sila ay mamangha at subukan din nila ito.

 

     Ang ikaapat na rason kapag ako ay makapasok sa kolehiyo ay hindi na ako mahihirapan dahil ako ay nasanay na sa madaming Gawain at paggamit ng mga computer. Kadalasan sa kolehiyo gumagamit ng mga teknolohiya at dahil sa SPJ alam kona kung paano ito gamitin.

 

     At panghuli naman ay gusto kong magkaroon ng tiwala sa sarili, dahil ako ay isang tao na kunti ang tiwala sa aking sarili, at ang pagiging isang mamamahayag ay nakakatulong sa pagpapalakas ng aking tiwala sa sarili. Dahil dito nakakakilala ka ng mga tao at nakikipag-usap sa kanila, at ang isang mamamahayag ay inaasahan na may malaking tiwala sa kanyang sarili.

 

     Isang karangalan ang pagiging isang SPJ student dahil mas natutunan ko ang iba’t ibang klase ng pamamahayag tulad ng news writing, feature writing, sports writing, column writing, editorial writing, editorial cartooning, photojournalism, TV broadcasting, radio broadcasting, collaborative desktop publishing, ito ay nakakamangha matutunan sapagkat ito ay maaring makatulong sa atin. Masaya matuto ng mga bagay na bago dahil may mga bagong skills namatutunan.

Comments

Popular posts from this blog

PAGSULAT NG BALITA

Ang aking unang karanasan sa blogging

AMAZON ECHO DOT: PINAPADALI ANG BUHAY SA BAHAY