ANG AKING KATABI

    


   Kapag pinagsama ang talino, kabaitan, at kasiyahan, isang tao ang nasa isip ng maraming estudyante sa aming paaralan si Anazarena Palo. Nakakakaba maging katabi si Ana sapagkat tila kidlat siya kung sumagot sa mga tanong ng aming guro. Subalit, kahit na siya ay napakatalino, may kakaibang kislap ng saya sa kanyang mga mata at ngiti na parang mga bituin sa kalangitan.

     Bukod sa kanyang husay sa akademya, may ginintuang puso si Ana. Parati niya akong tinutulungan sa mga bagay na hindi ko naiintindihan, at walang pag-aalinlangan siyang magbahagi ng kanyang kaalaman. Noong unang beses na kami ay naging magkatabi, ako ay labis na natuwa dahil kami'y magkaibigan mula pa noong Grade 7. Mula noon, mas nakilala ko siya nang lubusan. Ang bawat kwento niya ay puno ng sigla at saya, parang musika sa aking pandinig.

     Hindi lamang sa pag-aaral magaling si Ana; isa rin siyang mahusay na taekwondo player. Marami na siyang nasalihan at napanalunang kompetisyon. Bukod pa rito, siya'y isang talentadong feature writer sa aming paaralan. Ang kanyang mga mata ay puno ng buhay, at ang kanyang mahabang buhok ay kasing ganda ng kanyang kabuuan.

     Sa kabila ng lahat ng kanyang mga nagawa, si Ana ay nananatiling mapagkumbaba. Tumutulong siya sa mga nangangailangan at ayaw niyang itaas ang kanyang sarili. Siya rin ay masunuring anak na walang reklamo sa kanyang mga magulang. Ang kanyang tawa ay napakahawa, at bawat saya ay naipadama niya sa lahat ng tao sa paligid.

      Sa tuwing kami'y magkatabi, parating puno ng tawanan at kasiyahan ang aming paligid. Pareho kaming mahilig manood ng Korean drama, at madalas napag-uusapan ang aming mga pangarap at idolo sa buhay. Magkasama rin kaming nag-aaral tuwing may quiz o test, at dahil sa kanya, mas lalo kong naiintindihan ang mga aralin.

      Talagang masuwerte ako na si Ana ang naging aking kaibigan at katabi. Siya ay isang inspirasyon, isang magandang halimbawa ng isang kabataang puno ng talino, husay, at kabutihan. Isang biyaya na makilala siya at maging kaibigan.

Comments

Popular posts from this blog

PAGSULAT NG BALITA

Ang aking unang karanasan sa blogging

AMAZON ECHO DOT: PINAPADALI ANG BUHAY SA BAHAY