PAGTAPON NG BASURA SA PALIGID ATING IWASAN

 Bakit ba kailangan ng tao maging iresponsable? Nakakainis makita ang mga tao na nagtatapon ng kanilang basura sa hindi tamang lalagyan. Dahil sa kanilang ginagawa, sinasaktan nila ang ating kalikasan at nakakahalintulad pa tayo sa ating kapwa. Ayon sa OUR WORLD IN DATA, higit sa one-third ng mga plastik sa dagat ay nanggaling sa Pilipinas. Ayon din sa NATIONAL WASTE MANAGEMENT COMMISSION ng Pilipinas, may tatlong milyong toniladang basura o higit sa isang milyong truck ng basura ang naiipon sa Metro Manila kada taon.


Ako ay isang ordinaryong tao lamang. Alam ko na sa panahon ngayon, kailangan natin ng mga makabagong gamit o bagay upang mabuhay at mapadali ang ating mga gawain, tulad na lamang ng mga plastik, goma, at marami pang iba. Ito ang ating ginagamit sa pang-araw-araw ngunit ang paggamit ng tao nito ay hindi tama. Pagkatapos nilang gamitin ang kanilang basura ay itinatapon na lang kung saan-saan. Bakit hindi niyo subukan na maging responsable sa inyong mga ginagamit?


Ngayon, marami na ang basura sa ating paligid at aminin nyo o hindi, tayo rin ang naapektuhan nito. Ayon din sa OUR WORLD IN DATA, mayroong isa o dalawang milyong toneladang plastik ang pumapasok o nakikita sa ating dagat taon-taon. Ito ay nagreresulta sa maraming isda na namamatay dahil nakakakain sila ng mga basurang tinatapon ng mga tao sa dagat. Ito rin ang dahilan kung bakit wala nang mahuli ang mga mangingisda sa ating dagat.



Ang pagkalat ng basura ay nakakaapekto o maaaring kumitil ng buhay ng isang tao. Tulad na lamang kapag may darating na bagyo, dahil sa marami ang basura at nagkakaunti na lang ang ating mga punongkahoy, nagdudulot ito ng pagbaha sa ating lugar. Ang baha ay nagiging dahilan ng pagkawala ng ilang tao o pagkakasakit ng ilang tao dahil sa dumi ng tubig na nanggagaling sa baha na may madaming mga dumi. Tulad ng Maynila, doon ang sentro ng ating kalakalan sa Pilipinas at doon din may maraming kabahayan at doon din tinatapon ang ating mga basura, kaya doon madalas nagkakaroon ng matinding pagbaha.


Ito ba ang gusto ninyo na paligid? Marumi at nagkakalat? Dapat tayong matuto na magtapon ng ating basura sa tamang paraan at kung maaari ay bawasan ang paggamit ng mga ito. Alam ko na ito ngayon ang ating mga ginagamit ngunit hindi lahat ng ito nakakabuti sa atin. Ayon nga sa Ecological Solid Waste Management of 2000 (RA 9003), dapat ay ihiwalay natin ang ating mga basura. Kaya gawin natin ito para sa ikalilinis ng ating kapaligiran.



Dapat natin itong matutunan sapagkat tayo rin naman ang naapektuhan ng ating mga ginagawa. Magiging masaya ba kayo na unti-unting nasisira ang ating kapaligiran dahil sa mga basurang inyong tinatapon? Dapat natin alagaan ang ating paligid kasi tayo lang din naman ang gumagamit nito at ito ang lugar kung saan tayo nakatira. Huwag nating hayaan na mawala ito. Kaya sana inyong bawasan ang paggamit ng inyong mga basura at itapon ito sa tamang lalagyan. Sana kung may makikita kayo na mga tao na nagtatapon ng kanilang basura sa maling paraan, pagsabihan ninyo at turuan.

Comments

Popular posts from this blog

PAGSULAT NG BALITA

Ang aking unang karanasan sa blogging

AMAZON ECHO DOT: PINAPADALI ANG BUHAY SA BAHAY