Lugar na puno ng sining at kasaysayan
Sa pusod ng Tacloban City, tahimik na nakatayo ang isang mansyon na may hindi matatawarang halaga sa kasaysayan ng Pilipinas—ang Santo Niño Shrine and Heritage Museum. Itinayo noong panahon ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa pangunguna ng kanyang asawa na si Imelda Marcos, ang shrine na ito ay hindi lamang isang tahanan kundi isang obra maestra na sumasalamin sa yaman ng kulturang Pilipino at pandaigdigang sining. Pagpasok Mula sa labas, maaaring isipin ng isang bisita na isa lamang itong karaniwang bahay, ngunit sa sandaling tumuntong sa loob, agad na sasalubong ang engrandeng kapilya na siyang nagsisilbing sentro ng espiritwalidad ng tahanan. Ang altar, na may imahe ng Santo Niño, ay nagpapalabas ng kakaibang sinag ng kasaysayan at pananampalataya. Sa unang palapag din matatagpuan ang labing-isang guest rooms, bawat isa ay may natatanging disenyo batay sa iba’t ibang likas na yaman ng Pilipinas tulad ng silid na mula sa coconut-inspired room hanggang sa mga silid na pinalam...