LIWANAG SA GITNA NG DILIM
“Tulong!” —salitang paulit-ulit na isinisigaw ng bawat Pilipino sa gitna ng sunod-sunod na kalamidad na dumaan sa bansa. Isang bansang kilala sa magagandang tanawin, masiglang kultura, at matatag na komunidad, ngayo’y tila nalugmok sa dilim. Unti-unting nawala ang ganda ng paligid, natabunan ng baha, putik, at kalungkutan. Ang takot ay nananatili sa puso ng bawat isa. Lubog ang maraming bayan, wasak ang mga tahanan, nawala ang kabuhayan, at higit sa lahat, maraming mahal sa buhay ang nawala. Sa gitna ng lahat ng ito, isang tanong ang nasa isipan ngmga tao,kung paano nga ba sila muling babangon sa trahedyang ito? Noong nakaraang Oktubre, matinding lindol at pagsabog ng bulkan ang yumanig sa maraming bayan sa Visayas. Ngunit ang pinakamatinding tinamaan ay ang lalawigan ng Cebu. Maraming bayan ang nawalan ng tirahan, nasira ang mga daanan, at nawala ang kabuhayan ng libu-libong mamamayan. Isa ito sa pinakamabigat na trahedyang dinanas ng mga taga-Cebu. At habang unti-u...