Posts

LIWANAG SA GITNA NG DILIM

  “Tulong!” —salitang paulit-ulit na isinisigaw ng bawat Pilipino sa gitna ng sunod-sunod na kalamidad na dumaan sa bansa. Isang bansang kilala sa magagandang tanawin, masiglang kultura, at matatag na komunidad, ngayo’y tila nalugmok sa dilim. Unti-unting nawala ang ganda ng paligid, natabunan ng baha, putik, at kalungkutan. Ang takot ay nananatili sa puso ng bawat isa. Lubog ang maraming bayan, wasak ang mga tahanan, nawala ang kabuhayan, at higit sa lahat, maraming mahal sa buhay ang nawala. Sa gitna ng lahat ng ito, isang tanong ang nasa isipan ngmga tao,kung   paano nga ba sila muling babangon sa trahedyang ito? Noong nakaraang Oktubre, matinding lindol at pagsabog ng bulkan ang yumanig sa maraming bayan sa Visayas. Ngunit ang pinakamatinding tinamaan ay ang lalawigan ng Cebu. Maraming bayan ang nawalan ng tirahan, nasira ang mga daanan, at nawala ang kabuhayan ng libu-libong mamamayan. Isa ito sa pinakamabigat na trahedyang dinanas ng mga taga-Cebu. At habang unti-u...

Alaala ng Pagyanig

Image
       Isang malakas na lindol ang nagbulabog sa mga mamamayan ng Cebu. Puno ng takot at sigawan ang maririnig sa paligid. Isa ako sa mga nakadama ng lindol, at kahit malayo ang aking tinitirhan, dama ko ang tindi ng pagyanig. Ngunit hindi ko naisip na higit pa pala ang pinsalang idinulot nito sa ibang lugar—naghatid ito ng matinding kalungkutan, takot, at masakit na alaala sa maraming tao.      Sa Bogo City, Cebu ang sentro ng malakas na lindol, na umabot sa 6.9  magnitude  ang lakas. Sa sobrang tindi nito, maraming napinsala—hindi lamang mga bahay, hanapbuhay, at imprastruktura, kundi pati mga buhay. Naalala ko pa noong una akong nakarating sa Cebu. Punô ito ng mga taong masiyahin at matulungin, at ng mga lugar na magaganda at nakakabighani dahil sa mga kwento sa likod ng bawat sulok. Ngunit sa aking pagbabalik, isang malungkot na tanawin ang aking nasilayan.      Sa bawat pagtingin ko sa daan, nakikita ko ang mga tao sa laba...

Lugar na puno ng sining at kasaysayan

Image
Sa pusod ng Tacloban City, tahimik na nakatayo ang isang mansyon na may hindi matatawarang halaga sa kasaysayan ng Pilipinas—ang Santo Niño Shrine and Heritage Museum. Itinayo noong panahon ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa pangunguna ng kanyang asawa na si Imelda Marcos, ang shrine na ito ay hindi lamang isang tahanan kundi isang obra maestra na sumasalamin sa yaman ng kulturang Pilipino at pandaigdigang sining. Pagpasok Mula sa labas, maaaring isipin ng isang bisita na isa lamang itong karaniwang bahay, ngunit sa sandaling tumuntong sa loob, agad na sasalubong ang engrandeng kapilya na siyang nagsisilbing sentro ng espiritwalidad ng tahanan. Ang altar, na may imahe ng Santo Niño, ay nagpapalabas ng kakaibang sinag ng kasaysayan at pananampalataya. Sa unang palapag din matatagpuan ang labing-isang guest rooms, bawat isa ay may natatanging disenyo batay sa iba’t ibang likas na yaman ng Pilipinas tulad ng silid na mula sa coconut-inspired room hanggang sa mga silid na pinalam...

MGA TAONG NASA LIKOD NG PUBLIKASYON

  1-2. Mga taong nasa likod ng publikasyon: Mga manunulat- sila ang responsible sa mga artikulo at balita na ilalahad. Mga editor:sila ang nag-iedit at nagsusuri ng mga artikulo bago ito ilahad. Mga tagapaglathala: Ang tagapaglathala ang may pananagutan sa paggawa at pamamahagi ng mga dyaryo. Mga tagapagkuha ng larawan: sila ang responsible sa mga larawan na gagamitin sa mga artikulo at balita. Mga layout artist: sila naman ang responsible sa mga disenyo at biswal ng isang pahayagan. Mga mananaliksik: sila naman ang nagbibigay ng mga detalye ng isang balita at sila din ang nag-aalam kung totoo o hindi ang isang balita.   3. Mga hamon sa campus journalism      Limitadong Pondo     Kakulangan ng Kasanayan     Pagkuha ng Interviewees      Deadline       Pressure sa mga istudyante    4. ano   nga ba ang republic act of 7079 o campus journalism act of 1991? Ang R...

AMAZON ECHO DOT: PINAPADALI ANG BUHAY SA BAHAY

Image
  Ang Amazon Echo Dot ay isang napakahusay na smart home device na unang inilabas noong 2016 at dinisenyo para sa mga bahay. Bagaman may iba't ibang nag-ambag sa pag-unlad ng teknolohiya nito, ang Echo Dot ay naging isa sa mga pinakasikat na smart speakers.   Isa itong device na may compact na spherical na disenyo na nagbibigay ng malakas at malinaw na tunog. Ang sukat nito ay nasa 3.9 pulgada ang diameter, at dahil sa disenyo nito, ang tunog ng device na ito ay maririnig ng lahat ng tao na nasa loob ng bahay. Sa paglipas ng taon, nag-e-evolve ang katangian ng Echo Dot. Ngayon, ito ay mas pinahusay na may mas magandang disenyo at mas komportableng gamitin. Ang Amazon Echo Dot (Ika-5 Henerasyon) ay may tap gestures kung saan pinapahintulutan kang makontrol ito sa pamamagitan ng pagtapik o paghawak sa device.   Bukod rito, maaari mo ring kontrolin ang iyong smart home gamit ang Amazon Echo Dot. Maaari mong buksan ang iyong telebisyon, patugtugin ang iyong pabo...

SPORT LINGO

  BADMINTON TERMINOLOGIES centerline Forehand Carry fore court Attacking clear Center or base position Doubles Drop shot Serve Double sideline Drive Net shot Backhand Rally Baseline   FOOTBALL TERMINOLOGIES Back heel Dead ball fifa Bar down Derby Final whistle Bicycle kick Direct kick flank Brace El classico Flopping Clean sheet Euros footy Clearance Feint or body feint Free transfer Gaffer Glut Golden goal Half volley Hat trick haul Howler Indirect kick In swinger Jockeying Knockout stages Knuckle ball ...

ANG AKING KATABI

Image
        Kapag pinagsama ang talino, kabaitan, at kasiyahan, isang tao ang nasa isip ng maraming estudyante sa aming paaralan si Anazarena Palo. Nakakakaba maging katabi si Ana sapagkat tila kidlat siya kung sumagot sa mga tanong ng aming guro. Subalit, kahit na siya ay napakatalino, may kakaibang kislap ng saya sa kanyang mga mata at ngiti na parang mga bituin sa kalangitan.      Bukod sa kanyang husay sa akademya, may ginintuang puso si Ana. Parati niya akong tinutulungan sa mga bagay na hindi ko naiintindihan, at walang pag-aalinlangan siyang magbahagi ng kanyang kaalaman. Noong unang beses na kami ay naging magkatabi, ako ay labis na natuwa dahil kami'y magkaibigan mula pa noong Grade 7. Mula noon, mas nakilala ko siya nang lubusan. Ang bawat kwento niya ay puno ng sigla at saya, parang musika sa aking pandinig.      Hindi lamang sa pag-aaral magaling si Ana; isa rin siyang mahusay na taekwondo player. Marami na siyang nasaliha...