Posts

Showing posts from November, 2024

ANG AKING KATABI

Image
        Kapag pinagsama ang talino, kabaitan, at kasiyahan, isang tao ang nasa isip ng maraming estudyante sa aming paaralan si Anazarena Palo. Nakakakaba maging katabi si Ana sapagkat tila kidlat siya kung sumagot sa mga tanong ng aming guro. Subalit, kahit na siya ay napakatalino, may kakaibang kislap ng saya sa kanyang mga mata at ngiti na parang mga bituin sa kalangitan.      Bukod sa kanyang husay sa akademya, may ginintuang puso si Ana. Parati niya akong tinutulungan sa mga bagay na hindi ko naiintindihan, at walang pag-aalinlangan siyang magbahagi ng kanyang kaalaman. Noong unang beses na kami ay naging magkatabi, ako ay labis na natuwa dahil kami'y magkaibigan mula pa noong Grade 7. Mula noon, mas nakilala ko siya nang lubusan. Ang bawat kwento niya ay puno ng sigla at saya, parang musika sa aking pandinig.      Hindi lamang sa pag-aaral magaling si Ana; isa rin siyang mahusay na taekwondo player. Marami na siyang nasaliha...

ARAW NG PASKO

Image
       Tuwing sasapit ang taglamig at buwan ng Setyembre, ito ang pahiwatig na malapit na ang Pasko. Isang masayang pagdiriwang kung saan lahat ay nagkakaisa at nagsasama. Isa rin itong pagdiriwang sa kapanganakan ng ating Maykapal, kung saan lahat ay nagpapatawaran at nagbibigayan. Ito ang araw ng Pasko, ang araw na pinakahinihintay ng mga tao, ang araw kung kailan lahat ay nagsasama at sabay-sabay na kumakain. Ang mga ilaw na inilalagay ay simbolo ng kanilang kasiyahan sa Pasko.        Marami na ang nakagawian ng mga Pilipino tuwing Pasko, tulad ng pagbili ng mga pagkain na ihahanda sa Noche Buena at sama-samang pagluluto na pagtutulungan ng bawat isa. Isang masayang gawain na lalo tayong napapalapit sa ating pamilya. Pagkatapos magluto, ang ibang pamilya ay pumupunta sa simbahan upang magpasalamat sa Maykapal sa mga biyayang natanggap. Naririnig din natin ang mga kantahan ng mga batang nangangaroling sa mga bahay, at ang tunog nito ay nakakap...

SAKRIPISYO PARA SA PANGARAP AT PAMILYA

Image
     May mga lugar na napuntahan natin at masasabi nating maganda o hindi. Minsan dito na tayo namamalagi sa maraming kadahilanan. May mga taong nasa malayo at nais umuwi sa lugar kung saan sila lumaki, kung saan sila namulat sa mga katotohanan, kung saan sila nagkaroon ng mga masasayang alaala—ito ang lugar kung saan tayo lumaki, ang ating lupang kinagisnan. Maraming tao ang nais makabalik sa kanilang lupang kinagisnan.      Isa na rito ang mga OFW. Ito ang mga taong handang iwan ang kanilang mga pamilya upang tuparin ang mga pangarap para sa mga mahal sa buhay, kaya sila ay nakikipagsapalaran sa ibang bansa at nangangarap na matupad ang mga pangarap sa ibang lugar. Ito ang mga taong handang ibuwis ang kanilang sarili para sa pamilya at kinabukasan nila—sila ang mga OFW.      Dito sa Pilipinas, maraming tao ang naghihirap dahil sa kawalan ng pera at hirap ng buhay. Dahil dito, ang mga tao ay pumupunta sa ibang bansa at nagbabakasakali na ito...

pagkuha ng larawan 2

Image
 

PAGTAPON NG BASURA SA PALIGID ATING IWASAN

Image
 Bakit ba kailangan ng tao maging iresponsable? Nakakainis makita ang mga tao na nagtatapon ng kanilang basura sa hindi tamang lalagyan. Dahil sa kanilang ginagawa, sinasaktan nila ang ating kalikasan at nakakahalintulad pa tayo sa ating kapwa. Ayon sa OUR WORLD IN DATA , higit sa one-third ng mga plastik sa dagat ay nanggaling sa Pilipinas. Ayon din sa NATIONAL WASTE MANAGEMENT COMMISSION ng Pilipinas, may tatlong milyong toniladang basura o higit sa isang milyong truck ng basura ang naiipon sa Metro Manila kada taon. Ako ay isang ordinaryong tao lamang. Alam ko na sa panahon ngayon, kailangan natin ng mga makabagong gamit o bagay upang mabuhay at mapadali ang ating mga gawain, tulad na lamang ng mga plastik, goma, at marami pang iba. Ito ang ating ginagamit sa pang-araw-araw ngunit ang paggamit ng tao nito ay hindi tama. Pagkatapos nilang gamitin ang kanilang basura ay itinatapon na lang kung saan-saan. Bakit hindi niyo subukan na maging responsable sa inyong mga ginagamit? Ngayo...

Pagkuha ng larawan

Image